Basco, Batanes niyanig ng M4.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Basco sa lalawigan ng Batanes.

Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay naitala sa 18 kilometers northwest ng Basco, alas 4:13 ng hapon ng Biyernes, July 26.

May lalim na 10 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity II sa Basco, Batanes bunsod ng nasabing lindol.

Dahil sa lindol, naglabasan sa kanilang opisina ang mga empleyado ng gobyerno sa Itbayat.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Read more...