Alkalde sa isang bayan sa Poland nag-alok ng reward para sa mag-asawang makapagsisilang ng sanggol na lalaki

Sa isang bayan sa Poland, handang magbayad ang lokal na pamahalaan sa mag-asawang makapagsisilang ng sanggol na lalaki.

Mayroon lamang 300 residente sa bayan ng Miejsce Odrzańskie sa southwestern Poland ay walang isinisilang na baby boy sa nakalipas na siyam na taon.

Dahil dito, nagpasya ang alkalde sa lugar na si Reymund Frischko na magbigay ng reward sa mag-asawang makapagsisilang ng sanggol na lalaki.

Ayon kay Frischko, usap-usapan ng mga matatanda sa kanilang bayan ang pagkakaroon ng pattern na puro babae ang isinisilang sa bayan.

Maging ang alkalde ay dalawa ang anak na babae at umaasang magkakaroon siya ng anak na lalaki.

May mga pagkakataon din na sa loob ng isang taon, isang sanggol lang ang isinisilang sa bayan.

Mula 2007 hanggang 2009, tig-iisang sanggol lang ang isinilang kada taon, lahat sila ay babae.

Noong 2010, mayroong isinilang na isang babae at isang lalaki.

At taong 2011, limang sanggol na babae ang isinilang.

Hindi naman ibinunyag ng alkalde ang reward pero inilarawan niya itong “attractive”.

Read more...