Sinalakay ng mga otoridad sa Japan ang bahay ng suspek na nanunog sa Animation Studio sa Kyoto.
Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Shinji Aoba, na nananatili pa sa pagamutan matapos masugatan dahil din sa sunog.
Umabot sa 34 ang nasawi sa nasabing insidente na nangyari noong July 18.
Hinalughog ng mga pulis apartment ng suspek.
Layon nitong makahanap ng ebidensya sa kung ano ang kaniyang motibo sa ginawang krimen.
Unang lumitaw na nagalit ang suspek dahil ninakaw umano ng Kyoto Animation ang ideya mula sa kaniyang nobela.
Si Aoba ay nagtamo ng matinding pinsala sa katawan at nananatiling kritikal ang kondisyon sa ospital sa Osaka.
READ NEXT
DOJ inatasan ang NBI na magsagawa ng case build-up sa pagpatay sa abogado sa Negros Oriental
MOST READ
LATEST STORIES