DOJ inatasan ang NBI na magsagawa ng case build-up sa pagpatay sa abogado sa Negros Oriental

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng case build-up sa pagpata sa isang abogado sa Negros Oriental.

Iniutos din ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa NBI na tugusin ang mga nasa likod ng pananambang kay Anthony Trinidad sa Guihulngan City.

Si Trinidad ay tinambangan ng riding-in-tandem habang sakay ng kaniyang van nnoong Martes ng hapon.

Nasugatan din sa insidente ang misis niyang si Novie Marie.

Ayon sa Guihulngan City police si Trinidad ay kabilang sa hit list ng Kawsa Guihulnganon Batok Komunista (KAGUBAK).

Read more...