3 drug suspect patay sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Cebu

Patay ang tatlong drug suspect sa magkahiwalay na buy-bust operation sa San Fernando, Cebu Biyernes (July 26) ng madaling-araw.

Nakilala ng pulisya ang mga drug suspect na sina Juanito Palagtiosa at John Almons Abrenica, kapwa residente ng Barangay Lawaan II sa Talisay City.

Ayon kay Police Maj. Lymel John Pasquin, katuwang ang Drug Enforcement Unit ng San Fernando Police, nasawi ang dalawa makaraang mauwi sa shootout ang operasyon sa bahagi ng Barangay South Poblacion.

Pinaniniwalaan aniya si Palagtiosa na supplier ng ilegal na droga sa naturang bayan habang si Abrenica ang kaniyang back-up.

Narekober sa mga suspect ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng dalawang libong piso.

Nakuha rin ang dalawang baril na kargado ng mga bala.

Sa bahagi ng Barangay San Isidro naman, nasawi ang drug suspect na si Kienlee Artista matapos umanong manlaban sa pulisya.

Sinabi ng pulisya na posibleng si Palagtiosa ang nagsusuplay ng ilegal na droga kay Artista.

Read more...