Bea Alonzo: Bigla na lang akong hindi kinausap ni Gerald

Nagsalita na ang aktres na si Bea Alonzo hinggil sa mga espekulasyon sa hiwalayan nila ng boyfriend na si Gerald Alonzo.

Umingay ang balitang naghiwalay na ang dalawa matapos mag-post sa Instagram si Bea ng quote tungkol sa “dalawang ulit nang pagkakamali”.

Sa kaniyang pahayag sa programang “Tonight With Boy Abunda”, sinabi ni Bea na sa pagkakaalam niya, hindi sila nag-break ni Gerald.

Ang naturang statement ni Bea sa isang ambush interview ay ibinahagi sa Instagram ng programa ni Abunda.

Bigla na lamang umanong hindi na siya kinausap ng aktor.

Ayon kay Bea, pinalaki siyang professional ng ABS-CBN kaya anumang pinagdaraanan niya ngayon ay tuloy ang kaniyang buhay.

Katunayaan mayroon siyang upcoming teleserye sa Kapamilya Network.

Nagpasalamat naman si Bea sa lahat ng nagpapahayag ng suporta at concern sa kaniya.

Read more...