P5.5M na halaga ng party drugs nakumpiska ng Customs sa Pasay City

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) – NAIA at ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P5.5 milyon halaga ng party drugs sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Kinabibilangan ng 1,490 ecstacy tablets, 3,320 valium tablets at 1.8 kilo ng marijuana ang nakumpiska.

Unang nasabat ang P2.3 milyon halaga ng ecstacy tablets na mula sa Germany at ang mga ito ay idineklarang laruan.

Samantala, idineklarang Tortilla chips mula sa US ang P2.9 milyon halaga ng marijuana.

Isang suspek ang hawak na ngayon ng PDEA.

Habang ang P56,000 halaga ng Valium ay mula sa walong bansa at ipinadala ng apat na shipping companies sa Bulacan at Paranaque City.

Ayon kay NAIA Customs Collector Mimi Talusan ang pagkakasabat ng mga droga at bunga ng magandang ugnayan ng kanilang opisina sa PDEA.

Read more...