Anti-endo bill muling ihahain sa Senado matapos i-veto ni Pangulong Duterte

Dismayado ang mga mambabatas sa pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Security of Tenure Bill na kilala rin bilang anti-endo bill.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, muling isusulong ng Senado ang panukalang batas ngayong 18th Congress.

Ire-refile aniya ang anti-endo bill at gagawing prayoridad sa Senado.

Dagdag pa ni Sotto, hahanap sila ng paraan upang mas maging ‘acceptable’ ang bersyon ng panukalang batas.

Bagaman dismayado, sinabi ni Sotto na bahagi ng demokrasya ang pag-veto ng pangulo sa anti-endo bill.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa naging hakbang ng pangulo.

Read more...