1 patay, 1 sugatan sa aksidente sa Quezon

Patay ang cargo truck driver habang sugatan ang kaniyang pahinante sa aksidente na naganap sa Maharlika Highway sa Atimonan, Quezon.

Ayon sa Atimonan police, ang cargo truck ay minamaneho ni Domingo Llaneta Jr., 33 anyos nang makasagi nito ang paparating na JAC Daet Express bus sa Barangay Tinandog, Biyernes (July 26) ng madaling araw.

Nawalan ng kontrol si Llaneta sa truck na nagpagewang-gewang hanggang sa bumangga sa isang bahay sa tabing kalsada.

Malubhang nasugatan ang pahinante na si Alberto Giba, 34 anyos.

Nasawi naman s Llaneta habang dinadala sa ospital.

Hawak na ng mga pulis ang driver ng bus.

Read more...