Sa August 4 ang final episode ng “Goin’ Bulilit” ayon sa head writer nitong si Josel Garlitos.
Ibinahagi ni Garlitos ang larawan ng mga batang gumaganap sa show kasama ang mga staff nito.
Nakasaad sa caption na dalawang Linggo na lamang ang nalalabi sa show.
Sa post naman ng isa sa mga direktor ng show na si Badjie Mortiz, ibinahagi ang larawan ng mga batang magkakayakap.
May caption itong “For Always. Goin’ Bulilit.
Sa “Goin’ Bulilit” nagsimula ang ilan sa malalaking artista ngayon ng ABS-CBN kabilang sina Kathryn Bernardo, Jane Oineza, Julia Montes, Nash Aguas at iba pa.
MOST READ
LATEST STORIES