Ayon kay NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar, tutulong sila sa Local Government Units (LGU), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Interior and Local Government (DILG) para maisakatuparan ito.
Partikular na tulong na ibibigay ng NCRPO ay ang protektahan at idipensa ang miyembro ng clearing teams laban sa mga lumalabag.
Ayon kay Eleazar, base kasi sa kasaysayan, kahit mapaalis ng MMDA ay pabalik-balik lamang din sa lugar ang mga pinaalis, gaya ng mga vendor.
Tiniyak ni Eleazar na mas magiging aktibo ang pulisya sa pagbabantay laban sa mga lumalabag.
Una nang sinabi ng DILG na 45 araw lamang ang ibibigay nila sa Metro Mayors para linisin ang public road sa mga obstruction.