Mga mahal sa buhay ng mga preso, dagsa na sa Bilibid ngayong Pasko

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Maaga pa lamang ay mahaba na ang pila ng mga kaanak na bisita ng mga preso sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Simula kahapon (December 24) hanggang ngayong araw (December 25), tanging mga miyembro ng immediate family ng mga preso ang pinapayagan na dumalaw.

Nagkakaroon muna ng verification at tinitignan ang records ng NBP para matiyak na ang dadalaw ay kasapi ng immediate family ng presong kanilang nais dalawin.

Kuha ni Richard Garcia

Kagabi naman pinayagan na ang mga misis ng mga preso na makapag-overnight sa bilangguan.

Alas 6:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ang oras ng pagbisita ngayong araw.

Simula bukas, December 26, puwede nang bumisita ang iba pang kaanak ng mga preso.

Ang ilan sa mga kaanak na maagang pumila sa labas ng NBP compound ay galing pa sa mga lalawigan at ilang taon nang hindi na nabibisita ang kanilang mahal sa buhay.

Read more...