Dating Philippine National Team coach Ron Jacobs, pumanaw na

Ron JacobsPumanaw na si dating Philippine national team at San Miguel coach Ron Jacobs sa edad na 72.

Ang kaibigan ni Jacobs na si Quinito Henson ang naghayag ng balita sa kaniyang twitter account.

Sa kaniyang tweet, sinabi ni Henson na pumanaw si Jacobs alas 8:30 ng gabi sa Makati.

Magdiriwang sana ng ika-73 kaarawan si Jacobs sa December 27.

“Sad to report Ron Jacobs passed away tonight at 8:30 in Makati,” Henson said on Twitter. “He would’ve turned 73 on December 27,” Ayon sa post sa twitter ni Henson.

Si Jacobs ay naging coach ng San Miguel at nanalo bilang PBA Coach of the Year award noong 1997.

Na-stroke si Jacobs noong Dec. 22, 2001.

Read more...