Erich Gonzales umatras sa teleseryeng “Love Thy Woman”

Umatras si Erich Gonzales sa bagong teleserye na Love Thy Woman sa ABS-CBN.

Nauna nang inihayag ng network na kasama si Erich sa serye na pagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Ayon sa source, umatras ang aktres matapos malaman na magiging kontrabida ang kanyang role sa nasabing teleserye.

Nilinaw din ng kampo ni Erich na walang kinalaman ang dating ugnayan nito kay Xian sa pag-atras sa nasabing palabas.

Gaganap sana si Erich bilang half-sister ng karakter ni Kim na engage naman sa karakter ni Xiam.

Read more...