Nawawalang vice mayor ng Tinoc, Ifugao nakabalik na sa pamilya

Kasama na ng kanyang pamilya si Vice Mayor Fernando Gapuz ng Tinoc, Ifugao.

Kinumpirma ni Police Brigadier General Israel Ephraim Dickson, Police Regional Office–Cordillera (PRO-COR) na nakabalik na sa kanyang pamilya si Gapuz matapos mapaulat na nawawala noong nakaraang linggo.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang pulisya kaugnay ng pagkawala ng 56-anyos na bise alkalde.

Bago mapaulat na nawawala, nakita si Gapuz sa Barangay Impugong noong July 19 at sumakay ng bus na patungo ng Buguias sa Benguet.

Read more...