Pinal na, Security of Tenure Bill nai-veto na ni Pangulong Duterte

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nai-veto na ni Pangulong Duterte ang Security of Tenure Bill.

Ito ay matapos ang kalituhan kagabi hinggil sa kung anong totoong pasya ni Pangulong Duterte sa panukala.

Ngayong umaga, ibinigay na ni Panelo ang pinal na desisyon ng pangulo, at sinabing nagpasya itong i-veto ang Security of Tenure Bill.

Kahapon, sinabi na ni Panelo sa mga mamamahayag nagpasya ang pangulo na i-veto ang panukala.

Pero kalaunan binawi ni Panelo ang kaniyang anunsyo at sinabing pinag-aaralan pa ng pangulo ang panukalang batas.

Ngayong umaga sinabi ni Panelo na pinal na ang pag-veto sa Security of Tenure Bill.

Layunin sana ng batas na tuluyang maipagbawal na ang contractualization at end of contract o ENDO.

Read more...