Bagaman bumaba pa rin ang benta, mas lumiit ang loss ng Mattel sa ikalawang quarter ng taon kumpara ng parehong period noong nakaraang taon.
Ayon sa Mattel, $108 million na lang ang naitala nilang pagkalugi sa 2nd quarter kumpara sa $240.9 million noong nakaraang taon.
Nakapagtala ng 2 percent na pagtaas sa kita na $860.1 million.
Sinabi ng Mattel na nakatulong sa kanilang benta ang mga laruan ng Toy Story 4.
Iniulat ng Mattel na bumaba ang kanilang sales sa infant, toddler at preschool toys dahil sa paghina ng benta ng Thomas & Friends at Fisher-Price na gamit at laruan.
MOST READ
LATEST STORIES