Ilang pasahero sa Araneta Bus Terminal inabot ng Noche Buena

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Marami pa ring mga pasahero ang humabol ng biyahe pauwi sa kanilang mga lalawigan.

Sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao Quezon City, bagaman kakaunti na ang mga bus na bumibiyahe, may mga nagdatingan pa ring pasahero ngayong umaga.

Nais ng nasabing mga pasahero na makahabol pa pauwi sa mga lalawigan ngayong araw ng Pasko.

Ang iba sa mga pasahero kagabi pa nasa terminal at doon na inabutan ng Noche Buena.

Mas maluwag naman ang biyahe ngayong araw dahil regular holiday at bihira na ang mga motorista sa lansangan.

Read more...