Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Bulacan, naapektuhan ng pagbaha ang Barangay Poblacion, Guyong, Santa Clara, Caysio at Santa Cruz.
Agad namang nagpaikot ng team ang Bulacan Rescue para masigurong walang residenteng naapektuhan ng sobrang taas na tubig baha.
Ayon sa PDRRMO, simula alas 8:00 ng gabi naranasan ang malakas na buhos ng ulan sa bayan.
Umabot umano sa 380-millimeter ang dami ng tubig ulan batay sa rain guage ng Santa Maria Rescue at katumbas ito ng isang buwang pag-ulan.
Sa post sa social media ng netizens umabot sa hanggang leeg ang naranasang pagbaha sa ilang mga barangay.
Kita rin sa mga ibinahaging video ang pagragasa ng tubig.
Samantala, binaha din ang maraming barangay sa San Jose, Occidental Mindoro kahapon.
Ayon sa municipal disaster risk reduction and management officer ng San Jose, nalubog sa baha ang Barangay Mangarin, Mapaya, Murtha at San Agustin mula kahapon ng umaga.
Ito ay dahil sa pag-ulang dulot ng habagat.