2 sugatan sa banggaan ng truck at van sa QC

Dalawa ang sugatan sa aksidenteng naganap sa Katipunan Road sa Quezon City.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nangyari ang aksidente alas 4:38 ng umaga ng Biyernes, July 26 sa northbound lane.

Sangkot sa aksidente ang isang truck at isang Starex Van.

Nasugatan ang driver ng Starex at ang kasama nito.

Agad naman silang nadala sa kalapit na Labor Hospital.

Dahil sa nasabing aksidente, labis na naapektuhan ang daloy ng traffic partikular ang mga galing sa C5 – Libis area at patungong Katipunan.

Naapektuhan din ang mga galing Katipunan – Aurora.

Read more...