US hinimok ang North Korea na tigilan na mapaghamong hakbang matapos ang pagpapakawala ng dalawang short-range ballistic missiles

Hinimok ng Estados Unidos ang North Korea na tigilan ang mga mapaghamong hakbang.

Kasunod ito ng pagpapakawala kahapon ng dalawang short range missiles ng NoKor sa gitna ng mga pag-uusap para sa denuclearization.

Ayon sa pahayag ni US State Department spokesperson Morgan Ortagus, nais nilang magkaroon ng diplomatic engagement sa Pyongyang.

Nananatili aniya ang commitment ng administrasyon ni US Pres Donald Trump sa pakikipag-usap sa NoKor.

Umaasa din ang US na magkakaroon ng positibong resulta ang working-level negotiation ng Amerika at North Korea.

Read more...