Sa weather forecast ng PAGASA ang Ilocos Region, MIMAROPA, lalawigan ng Zambales at Bataan ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan.
Ayon kay PAGASA weather specialist Gener Quitlong, isang tropical depression ang binabantayan na malapit sa borderline bansa.
Pero unti-unti na aniya itong lumalayo at inaasahan ding hihina at magiging isang Low Pressure Area (LPA) na lamang.
Wala din itong anumang epekto sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES