U-turn slot sa CW Home Depot sa Commonwealth Ave., isasara na simula bukas

Simula bukas ng gabi isasara na ang U-Turn Slot sa Commonwealth Avenue na nasa harap ng CW Home Depot.

Ang pagsasara ng nasabing U-turn ay unang ipinagpaliban dahil tinapos muna ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isasa ang U-turn para bigyang-daan ang patuloy na konstruksyon ng MRT-7.

Ayon sa MRT-7 Traffic Task Force, alas 11:00 ng gabi bukas, July 27 sarado na ang U-turn slot.

Sa nasabi ring oras ay magbubukas ng U-turn slot sa bahagi ng Tandang Sora at Don Antonio para magamit na alternatibo ng mga motorista.

Read more...