Higit 60 opisyal, empleyado ng Customs sisibakin ni Duterte sa susunod na linggo

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin niya sa pwesto ang mahigit 60 opisyal at empleyado ng Bureu of Customs (BOC) sa susunod na linggo.

Ito anya ay bunsod ng alegasyon pa rin ng kurapsyon sa ahensya.

Sa kanyang talumpati sa Candon, Ilocos Sur Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na kailangan niyang tanggalin sa pwesto ang 64 na Customs officials at employees.

Nagbanta pa ang Pangulo na sunod niyang sisibakin ang 100 iba pang tauhan ng ahensya.

“I have to kick them out. Sixty-four of them will be terminated next week. And 100 is coming. Then I will have cleaned the… Kasi sabi nila hindi daw talaga malinis-linis ang Customs,” ani Duterte.

Sa parehong speech ay sinabi ng Pangulo na una na siyang may tinanggal an opisyal ng gabinete dahil pa rin sa katiwalian.

“Siyempre magbayad ka ng utang. Noong nandoon ako sa presidency, inilagay ko in key Cabinet. Magnanakaw ang l****. So sinabi ko na lang na, ‘I have accepted the resignation.’ Means — meaning to say, ‘You’re fired,” pahayag ng Pangulo.

 

Read more...