5 patay sa Negros Oriental sa 1 araw lamang

Lima ang naitalang patay sa magkakahiwalay na insidente sa Negros Oriental sa isang araw lamang kahapon araw ng Huwebes.

Sa Barangay Tampocon sa bayan ng Ayungon, patay sa pamamaril ng riding in tandem si Reden Eleuterio, 50 anyos.

Sa bayan naman ng Guihulngan, magkahiwalay na nilusob ang bahay ni Barangay Buenavista Chairman Romeo Alipan at ang magkapatid na Arthur at Ardale Bayawa at pinagbabaril ang mga ito.

Patay naman sa ambush din ng riding in tandem si Raklin Astorias sa bayan ng Siaton.

Itunuring ng otoridad na insurgency problem ang patayan sa lalawigan.

Posible ring sangkot ang illegal na droga sa nasabing mga patayan.

Una rito ay inambush si Atty. Anthony Trinidad sa hindi pa tukoy na dahilan, bagay na kinondena ng gobyerno.

 

Read more...