Nasa 115 migrants ang nawawala at pinangangambahang patay na matapos lumubog ang bangka nila sa Libya.
Nailigtas naman ang 135 na katao ng Libyan coast guards at mga mangingisda sa lugar.
Una nang sinabi ng United Nations refugee agency na UNHRC, nasa 150 ang posibleng nalunod na.
Itinuring ni UNHRC head Filippo Grani na “worst Mediterranean tragedy” ang pangyayari.
Nasa 250 ang sakay na migrants ng bangka nang lumubog ito sa bahagi ng Tripoli.
Excerpt: Nailigtas ang 135 na katao ng Libyan coast guards at mga mangingisda sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES