Julia Barretto walang pakialam sa intriga sa kanila ni Gerald Anderson

Tila sinagot ng aktres na si Julia Barretto ang mainit na isyu sa kanila ni Gerald Anderson.

Laman ngayon ng balita sina Julia at Gerald matapos nag-viral ang kanilang mga larawan na magkasama, dahilan ng ispekulasyon na may relasyon ang dalawa kahit girlfriend ng aktor si Bea Alonzo.

Nanahimik si Julia sa balita pero sa post nito sa Instagram ay tila may gustong iparating ang aktres.

Sa larawan ay makikita si Julia na may hawak na tasa at ang caption nito ay “The difference between coffee and their opinion is – I asked for coffee.”

Sa tingin tuloy ng publiko ay tila gustong sabihin ng dalaga na wala siyang pakialam sa opinyon ng mga tao sa kanya.

Samantala, ang dati namang boyfriend ni Julia na si Joshua Garcia ay masaya na ngayon.

Naka-focus si Joshua sa trabaho sa gitna ng pagka-link ni Julia kay Gerald.

Okay na umano ang aktor at trabaho lamang ang kanyang iniisip.

 

Read more...