Mga baril nasamsam sa isang US reserve army sa Makati

Credit: Christopher Cabo

Sinalakay ng mga otoridad isang bahay sa Mola St. Makati city matapos makatanggap ng report na may mga nakatagong baril.

Sa raid Huwebes ng hapon ay naaresto si Jose Samal, isang US Reserve Army at US citizen.

Credit: Christopher Cabo

Nakuha sa suspek ang iba’t ibang klase ng baril tulad ng 9mm, cal. 22 at cal. 390.

Narekober din sa suspek ang mahigit 100 daang bala at 15 magazine.

Ayon kay Major Giseon Ines ng Makati Police, nahaharap ang suspek sa paglabag sa kasong Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

 

Read more...