P100,000 halaga ng karneng botcha, muling nakumpiska sa Maynila

Screengrab of Mayor Isko Moreno video

Nasamsam ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB) ang P100,000 halaga ng karneng botcha sa magkakaibang palengke sa Maynila araw ng Huwebes.

Ayon kay VIB Inspector Dr. Nick Santos, nasa 105 kilo ang kinumpiskang karne ng kambing na nagkakahalaga ng P84,000 habang 167 kilo naman ang nakuhang karne ng manok na nasa P21,000 ang halaga.

Nakuha ang mga botchang manok sa Pampanga Market sa Tondo at ang mg karne ng kambing ay sa Arranque Market sa Sta. Cruz.

Ito na ang ikatlong pagkakataong may nakumpisang mga double dead na karne sa lungsod sa buwan ng Hulyo.

Iprinisinta kay Manila Mayor Isko Moreno ang double dead na mga karne.

Read more...