Duterte nais manatili sa P50M ang threshold sa kasong plunder

Aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas ni Senador Bong Go na patawan ng death penalty ang mga sangkot sa pandarambong o plunder.

Pero nais ng Pangulo na panatalihin sa P50 milyon ang threshold sa plunder o ang halaga na ninakaw na pondo ng bayan taliwas sa panukala ni Go na ibaba sa P10 milyon.

Kung si Pangulong Duterte lamang ang masusunod, nais niyang ipataw ang death penalty sa pamamagitan ng pagbitay gamit ang lubid.

Mas mura kasi aniya ang lubid kaysa sa bala na mahal ang presyo.

 

Read more...