P300M halaga ng mga pekeng gamit nasamsam ng CIDG sa Binondo; 10 arestado

CIDG photo

Arestado ang 10 katao matapos silang makuhanan ng mahigit P300 milyong halaga ng mga pekeng gamit sa isang mall sa Binondo, Manila Huwebes ng hapon.

Nagsilbi ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ng 12 search warrants para sa paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines laban sa mga suspek.

Inilabas ang search warrants matapos ireklamo sa CIDG ang mga pekeng Louis Vuitton.

Naaresto sina Irene Castro, 28; Rose Ongonion, 24; Naima Malic, 26; Raihanah Bato, 18; Emalyn Estela, 34; Lorelyn Saraña, 22; Christopher Umali, 25; Raize Masiglat, 19; Mylen Agustin, 27; at Carol Sanchez, 48.

Nakumpiska sa mga suspek ang 911 na pekeng bag, 1,291 na peket pitaka, 48 na pekeng cap, 2 pekeng cardholder, 48 na pekeng keyholder, 38 paper bags at apat na kahon na may tatak Louis Vuitton.

Ang mga suspek ay nakakulong na at nakatakdang kasuhan sa Office of the City Prosecutor of Manila.

 

Read more...