Philvocs nagbabala sa earthquake at tsunami predictions

Inquirer file photo

Nagbabala ang Phivolcs sa publiko hinggil sa mga pekeng alerto o prediksyon sa mga lindol at tsunami.

Sa Twitter, sinabi ng ahensya na hindi sila nagbibigay ng prediskyon patungkol sa lindol at tsunami.

Wala anilang ‘reliable technology’ na makatutukoy ng eksaktong oras, petsa, lokasyon at lakas ng lindol.

Dahil dito, hinikayat ng Phivolcs ang publiko na huwag maniwala o magpakalat ng anumang impormasyon na posibleng magdulot ng pagkalito at takot.

Gayunman ay muling inulit ng ahensya na dapat ay maging handa ang publiko lalo na sa pagdating ng “the big one”.

Read more...