Militar bibili ng mga dagdag na armas sa Europe

Inquirer file photo

Nakatakdang bumisita si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Europa sa buwan ng Setyembre.

Ayon kay Lorenzana, ilan sa mga pupuntahan niyang bansa ay ang France, Spain, Portugal, United Kingdom at Czech Republic.

Base aniya ito sa imbitasyon ng mga nasabing bansa para ipakita ang kanilang defense equipment na maaaring makatulong sa pagpapalakas ng pwersa ng militar.

Sinabi pa ng kalihim na inaalok ng France sa Pilipinas ang kanilang submarine habang ang Portugal at Spain naman ay mga barko.

Samantala, mga baril at iba pang armas ang alok ng Czech Republic habang iba pang military equipment naman ang alok ng United Kingdom.

Read more...