Muling paggamit ng Dengvaxia kontra dengue inihirit ni Garin

Inquirer file photo

Isinisi ni dating Health Secretary at ngayo’y deputy speaker Janette Garin sa pamumulitika sa kontrobersyal na bakunang Dengvaxia ang paglobo ng kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay Garin, nakalulungkot isipin na sa halip na makatulong ang isang gumagamit nito para pigilan ang pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit pero dahil sa pag-uugnay sa pulitika ay maraming magulang ang nangangambang pabakunahan ang mga anak.

At dahil nagdeklara na ng National Dengue Alert kamakailan ay nanawagan si Garin sa Department of Health at Food and Drug Administration na ibalik na ang Dengvaxia vaccine para masugpo ang paglobo ng dengue cases sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng DOH ay pumalo na sa halos 116,000 ang naitalang kaso ng dengue ngayong 2019 kung saan apatnaraan at siyamnapu’t isang indibidwal na ang namatay./

Read more...