Lorenzana: Egyptian, Indonesian, Singaporean at Malaysian terrorists nasa Mindanao na

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Isinapubliko na ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nationalities ng mga terorista na naunang napaulat na nagkukuta sa Western Mindanao.

Ang nasabing mga terorista ang sinasabing nasa likod ng pagtuturo sa mga suicide bombers ng Abu Sayyaf Group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).

“I think the nationalities are Egyptian, Malaysian, Indonesian saka Singaporean so… we have the names of couple but we are not going to give it out yet,” ayon sa pahayag ni Lorenzana.

Kasama umano ng grupo si Abu Sayyaf leader Sawadjaan na siya namang itinuturinfg na emir ng ISIS sa bansa.

Sinabi naman ni Western Mindanao Command (Wesmincom) commander Lieutenant General Cirilito Sobejana na patuloy ang kanilang opensiba para mahuli ang nasabing mga terorista.

Ang nasabing mga terorista ay sinasabing nag-iikot sa mga lalawigan ng Sulu, Basilan at Maguindanao bilang bahagi ng kanilang pagsasanay kasama ang ilang mga lokal na armadong grupo.

Katuwang ng militar ang Philippine National Police sa paghahanap sa pinagtataguang lugar ng nasabing mga grupo.

Read more...