Paglilinis sa judicial system maaring isabay sa pagbuhay sa parusang bitay ayon kay Rep. Barbers

Radyo Inquirer / Erwin Aguilon

Naniniwala si Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers na dapat isabay sa pagsusulong ng death penalty ang pagsasaayos naman ng judicial system sa bansa.

Ito ay sa gitna ng pangamba ng mga kritiko na magiging anti-poor ang parusang kamatayan sa oras na muling maipatupad dahil sa sitwasyon ng justice system sa ngayon.

Sinabi ni Barbers na hindi maitatanggi na bukod sa pagkakaroon ng rogue policemen ay mayroon ding tiwaling judges at justices dahil sa korapsyon.

Kaya dapat “simultaneous” aniya sa parusang kamatayan ang cleansing naman sa hudikatura.

Pero para kay Barbers, sa pagbuhay lamang ng capital punishment mapipigilan ang paglaganap ng karumaldumal na
krimen at maging ang pagpasok ng mga drugs syndicates sa bansa.

Nauna rito nagpahayag ng pagkabahala si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na dahil sa palyadong
justice system ay hindi magiging deterent sa kriminalidad ang parusang kamatayan at magresulta lamang sa
pagpaslang sa mga mahihirap na akusado na walang kakayahan na kumuha ng magaling na abogado.

Read more...