Mobile App para sa mga pasahero ilulunsad ng LRT-1

Nakatakdang ilunsad ng pamunuan ng LRT-1 ang mobile app na maaring magamit ng mga commuter ng naturang train line.

Ayon kay Light Rail Manila Corp. president and CEO Juan Alfonso, ang App ay magbibigay ng real-time train schedules gamit ang GPS trackers.

Magagamit din ito para mamonitor ang dami ng pasahero sa train station.

Dahil dito, makakapamili ng istasyon ang mga pasahero sa kung saan mas kaunti o mas maiksi ang pila.

Magiging available ang mobile app sa iOS at Android.

Iaanunsyo ng LRMC kung kailan ito ilulunsad.

Read more...