Pahayag ito ni National Security and International Studies Expert Professor Rommel Banlaoi kasunod ng mga panukala kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin muli ng isang taon pa ang batas militar sa rehiyon.
Sinabi ni Banlaoi na ang pagkakaroon ng kauna-unahang Filipino suicide bomber ay sapat nang rason para sa pamahalaan upang i-extend ang martial law.
Kabilang din ayon kay Banlaoi sa maaring gamiting rason ng gobyerno ay nagpapatuloy pang transition period ng Bangsamoro Government at nagpapatuloy pa ang Marawi rehabilitation at ito ang maaring maging dahilan ng gobyerno sa pagpapalawig ng martial law.
Paliwanag ni Banlaoi, nakatulong ng malaki sa peace and order sa Mindanao ang batas militar.
Nabawasan kasi ang insidente ng ‘rido’ o away ng mga angkan na kadalasang nauuwi sa karahasan.
Pero ani Banlaoi, hindi naman pwedeng palawigin ng palawigin na lamang ang martial law at dapat ay dapat ay umisip ng ibang pamamaraan o counter measure ang gobyerno para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.