Burgos, Surigao Del Norte dalawang beses niyanig ng lindol

Unang naitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa lalawigan ng Surigao Del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 77 kilometers Northeast sa bayan ng Burgos, alas-8:00 umaga ng Huwebes (July 25) at may lalim na 1 kilometer.

Samantala, magnitude 3.0 naman ang naitala sa 63 kilometers Northeast sa bayan pa rin ng Burgos, alas-9:00 ng umaga at may lalim na 20 kilometers.

Tectonic ang origin ng dalawang pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-rian, intensities at aftershocks.

 

Read more...