Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo dapat na munang ipalagay na inosente ang hindi pinangalanang Filipina at hindi isang drug pusher o drug trafficker.
Dagdag ni Panelo, nakahanda ang pamahalaan ng Pilipinas na gamitin ang lahat ng legal remedies sa ilalim ng Malaysian legal system kung sakali mang mahatulang guilty ng Malaysian court ang 32-anyos na Pinay na inaresto sa isang bahay sa Manggatal, Kota Kinabalu.
Pero ayon kay Panelo, kung mapapatunayan sa mga ebidensiya na sangkot nga sa drug trafficking ang Filipina na nahaharap sa paglabag sa Section 39B ng Malaysian Dangerous Drugs Act of 1952, sinabi ni Panelo na hahayaan na lamang nilang gumulong ang batas na ipinatutupad sa Malaysia.
Sa ilalim ng batas ng Malaysia, parusang kamatayan sa pamamagitan ng “hanging” ang naghihintay sa mga mahuhulihan ng hindi bababa sa 15 gramo ng illegal drugs.
Base sa talaan ng Department of Foreign Affairs (DFA), hindi bababa sa 48 na mga Filipino ang nasa death row sa Malaysia.