Bahagi ng Quezon nakararanas ng malakas na pag-ulan – PAGASA

Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa ilang bayan ng lalawigan ng Quezon.

Sa abiso ng PAGASA alas 4:51 ng umaga ng Miyerkules, July 25, nakararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mga bayan ng Mulanay, San Narciso, San Francisco at San Andres.

Tatagal ng dalawang oras ang nararanasang malakas na buhos ng ulan.

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto dahil maari itong magdulot ng flash floods sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.

Read more...