Pero ayon kay Senator Manny Pacquiao, ito ay kung limitado lamang ang panukala sa mga kasong may kaugnayan sa droga.
“Meron naman. Sobra pa yata. Sa drugs lang,” ani Pacquiao.
Una nang sinabi ni Senate Pres. Tito Sotto na suportado ng 13 senador ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan.
Kabilang sina Sotto at Pacquiao sa mga senador na naghain ng death penalty bill mula nag magbukas ang 18th Congress noong July 1.
Ayon kay Pacquiao, aaprubahan ng Senado ang panukala kung ipapataw ito sa karumal-dumal na krimen na may kaugnayan sa droga.
Gayunman ito ay taliwas sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang plunder sa death penalty, bagay na ayon kay Pacquiao ay mahirap makapasa sa Senado.
“Sa tingin ko kung mahirapan maipasa dahil sa sabay ang plunder at saka sa drugs, mas mabuti unahin muna natin yung drugs. Kapag nandyan na, existing na yung death penatly sa atin, activated na, and then saka natin pag usapan ulit yung plunder,” dagdag ng Senador.