Ayon kay US Treasury Secretary Steven Mnuchin, magaganap ang pulong sa Shanghai sa Martes at Miyerkules,
Ito ang kauna-unahang pulong matapos mauwi sa wala ang negosasyon noong Mayo matapos akusahan ni President Donald Trump ang China na hindi tumupad sa mga pangako.
Pangungunahan ni Mnuchin at US Trade Representative Robert Lighthizer ang delegasyon ng US.
Sinabi ng White House na pag-uusapan kasama si Chinese Vice Premier Liu ang mahahalagang isyu kabilang ang “intellectual property, forced technology transfer, non-tariff barriers, agriculture, services, at trade deficit and enforcement.”
Sinabi ni Mnuchin na umaasa siyang magkakaroon ng progreso ngunit posibleng magkaroon pa ng serye ng mga pag-uusap na magaganap naman sa Washington.
Magugunitang nagpataw ng daan-daang bilyong taripa si Trump sa Chinese goods.
Ipinanawagan ng US sa Beijing na wakasan na ang umano’y pagnanakaw nito sa American technology.