BFAR: 9 na lugar nagpositibo sa red tide

Siyam na lugar sa bansa ang nagpositibo sa red tide ayon sa advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), araw ng Miyerkules.

Dahil dito, pinayuhan ang publiko na huwag humango, magbenta, bumili at kumain ng shellfish sa nasabing mga lugar.

Positibo na ngayon sa red tide toxin ang:

Habang nananatiling nasa ilalim ng red tide alert ang mga sumusunod na lugar:

Lampas sa regulatory limit ang paralytic shellfish poison na natagpuan sa shellfish sa nasabing mga lugar batay sa pagsusuri ng BFAR at local government units (LGUs).

Dahil dito, lahat ng uri ng shellfish at alamang sa nabanggit na mga lugar ay bawal kainin.

“All types of shellfish or alamang gathered from the areas shown above are not safe for human consumption,” ani BFAR director Eduardo Gongona.

Sinabi naman ng BFAR na ligtas ang isda, squids, shrimps at crabs basta’t sariwa ang mga ito, nahugasan ng mabuti at natanggalan ng hasang at bituka bago lutuin.

 

Read more...