Nanatiling ‘very good’ ang satisfaction rating ng Senado makaraang bahagyang tumaas sa +63 nitong Hunyo mula sa +62 noong Marso.
Record-high naman ang Kamara at nanatili sa ‘good’ sa +48 na satisfaction rating nitong Hunyo mula sa +47 noong Marso.
Malaki-laki ang itinaas ng satisfaction rating ng Korte Suprema na record-high din at nasa klasipikasyong ‘very good’ matapos makapagtala ng +54 nitong Hunyo mula sa +50 noong Marso.
Ag Gabinete naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tumalon mula sa ‘good’ patungong ‘very good’ matapos maitala ang record-high +51 na satisfaction rating nitong Hunyo kumpara sa +44 noong Marso.
Ang SWS survey ay isinagawa noong June 22 haggang 26 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa.