Biglang umangat sa pwesto at naging alkalde ng Datu Unsay, Maguindanao si Datu Andal “Datu Aguak” S. Ampatuan V.
Si Datu Aguak ang anak ni Datu Andal Ampatuan Jr., ang pangunahing suspek sa malagim na Maguindanao Massacre.
Nanumpa kay Senator Nancy Binay si Datu Aguak matapos bumaba sa pwesto ang alkalde at bise alkalde ng naturang bayan.
Ayon kay Ministry of the Interior and Local Government–Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Minister Naguib Sinarimbo, nagsumite ng resignation sina Mayor Fuentes Dukay at Vice Mayor Wanay Salibo Dukay kay Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa hindi pa malamang kadahilanan.
Dahil dito, ayon anya sa rule of a succession sa ilalim ng RA 7160 o Local Government Code, si Datu Aguak ang uupo bilang alkalde dahil siya ang nagnumero unong konsehal sa nakalipas na May 2019 elections.
Si Councilor Bai Janine Ampatuan Mamalapat naman ang uupong bagong bise alkalde.