Dahil sa hindi matapos-tapos na isyu na muli silang maglaban ni Pacquiao, nag-post si Mayweather sa Instagram na nakikisakay lamang umano ang Pambansang Kamao sa kanyang career.
Minaliit pa ng American boxing champion ang pagiging eight-division champion ni Pacquiao.
Ayon kay Mayweather, ang legacy at career ni Pacquiao ay dahil sa pagka-ugnay sa kanyang pangalan.
Panahon na anya na tapusin na ang paggamit sa kanya at hayaan si Pacquiao sa sarili nito.
“This man’s entire legacy and career has been built off its association with my name and it’s about time you all stop using my brand for clout chasing and clickbait and let that man’s name hold weight of its own,” ani Mayweather.
Agad namang nag “counter punch” si Pacquiao sa patama ni Mayweather.
Sa kanyang pagbabalik matapos talunin si Keith Thurman, muling hinamon ni Pacman si pretty boy Floyd ng rematch.
Sa kanyang Twitter ay sinabi ng Senador na si Mayweather nga ang pumunta sa kanyang laban pagkatapos ay ginamit ang kanyang pangalan sa post nito.
Kung gusto anya ni Mayweather na maging sikat uli ay muling silang maglaban.
“You come to my fight and then use my name in a post but I’m the one that is trying to stay relevant? if you want to be relevant again… #MayPac2,” tweet ni Pacquiao.
Matatandaan na bukod sa laban kay Thurman ay nanood din si Mayweather ng laban ni Pacquiao kay Adrien Broner noong Enero.
Ilang beses nang sinabi ni Pacquiao na handa siya sa rematch kay Mayweather matapos ang unang nilang laban noong May 2015 pero ilang beses na sinabi ng American fighter na hindi siya interesado.
.@FloydMayweather You come to my fight and then use my name in a post but I’m the one that is trying to stay relevant? 🤔 if you want to be relevant again… #MayPac2
— Manny Pacquiao (@MannyPacquiao) July 24, 2019