Ayon kay Abante, palagi niyang sinusuportahan ang death penalty pero dapat aniya ay para lamang ito sa mga heinous crimes tulad ng massacre, terrorism, rape at plunder.
Tinuran ng mambabatas na matapos siyang mahalal bilang lider ng minorya kinausap niya ang mga kasamahan na maging objective at critical.
Nauna ng sinuspinde noong 13th Congress ang pagpapatupad ng death penalty.
Sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulo hiniling nito ang muling pagbuhay ng death penalty para sa mga krimen na may kinalaman sa droga at death penalty.
MOST READ
LATEST STORIES