Panukalang amyenda sa Saligang Batas muling inihain sa Kamara

Muling binuhay sa Kamara ang panukala upang amyendahan ang 1987 Constitution.

Base sa House Concurrent Resolution No. 1, nais nito na mapalitan ang porma ng pamahalaan sa pamamagitan ng Constituent Assembly patungo sa Federal form.

Sa ilalim ng panukala ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez naging gabay nito ang draft na isinumite ng Consultative Committee na pinamunuan ni dating Chief Justice Renato Puno sa pangulo at Kongreso.

Magkakarooon pa rin ng senador na mayroong tatlong termino pero ang bawat isang termino ay tatagal ng apat na taon.

Sa ilalim nito, tig-tatlong senador ang iboboto ng mga residente mula sa siyam na rehiyon.

Kabilang na rito ang national Capital Region, Northern Luzon, Southern Luzon, Bicol Region, Eastern Visayas, Western Visayas, Northern Mindanao, Southern Mindanao at ang Bangsamoro Autonomous Region.

Ang mga miyembro ng House of Representatives at ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay magkakaroon din ng tatlong termino na tig-apat na taon.

Ayon kay Rodriquez, magkakaroon ng separate voting ang Senado at Kamara kung saan kailangan ng botong 3/4 ng lahat ng miyembro.

Magugunitang pumasa sa ikatlo at huling pagbasa noong 17th Congress ang panukalang amyenda sa saligang Batas pero natulog na ito sa Senado.

Read more...