Pililla sa Rizal, 5 oras walang kuryente bukas—Meralco

Makararanas ng limang oras na power interruption ang Pililla sa probinsya ng Rizal bukas, July 25.

Base sa abiso ng Meralco, magsisimulang mawala ang kuryente mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon bukas.

Ang dahilan ng nasabing power interruption ay ang gagawing reconducting sa mga poste sa kahabaan ng E. Acosta St. sa Barangay Quisao.

Humihingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng Meralco sa mga apektadong consumer sa nasabing power interruption.

Sinigurado naman nila na bibilisan ang paggawa para maibalik agad ang kuryente sa nasabing Barangay.

 

Read more...